1
Ang opisyal ng Communications Team ng palasyo na si Ramon "Ricky" Carandang na pinaniniwalaang head ng propaganda operations sa internet na syang in-charge sa pagpapabango sa pangalan ng Aquino administration ay nag resign na ayon sa MalacaƱang.

Yellow Army Boss
Ricky Carandang

Pinaniniwalaang ang trabaho ni Carandang sa administrasyong Aquino ay ipagtanggol ito at i-build-up sa social media tulad ng Facebook, Twitter at sa mga comments section ng mga online news portal sa internet. Si Ricky di umano ang boss ng di matiyak na bilang ng mga internet army/trolls na walang ginawa kundi makipagtalastasan sa mga nagkokomentong laban sa Aquino administration.

Pero nitong huli ay tila tumamlay at hindi na kasing bibo ng dati ang mga yellow army sa pagtatanggol sa administrasyon. Ito ay di umano dahil sa unti-unting pag exit ni Carandang palabas ng Palasyo.

Bakit Sinipa?

Hindi pa malinaw kung ano ang tunay na dahilan ng pagkakatanggal ni Carandang sa kanyang trabaho sa palasyo pero maaaring dahil ito sa hindi na epektib ang propaganda strategy niya at ng kanyang Yellow Army sa pagpapaganda ng imahe ng Pangulong Noynoy.

Matatandaang bumaba ang rating ng pangulo nitong nakaraan at lubhang naputukan ng husto ang kanyang administrasyon sa Pork Barrel scam na sa sobrang lakas ng impact sa kanya ay kinailangan pa nyang mag special broadcast at magpahayag ng statement upang dumepensa.

Mapapansin ding lumagpak ang kumpyansa ng sambayanan at gayundin ng international community sa kakayahan ng Aquino administration ng pumutok at ma-expose ang mabagal na relief operations sa mga bikitima ng super typhoon Yolanda na nagresulta sa napakaraming negatibong komento sa internet laban sa PNoy administration.

Ilan lamang yan sa mga maaaring dahilan para mawalan ng pananalig at tiwala ang pangulo sa ginagawang propaganda ni Ricky Carandang at ng kanyang Yellow Army sa internet na syang maaaring dahilan kung bakit sya sinipa sa palasyo.

Pwedeng isipin na maaaring na-overwhelm ang Yellow Army sa pagdagsa ng opinyon at negatibong komento laban sa gobyerno dahil na rin sa magkasunod na malalaki at kritikal na isyu na umuga sa ating bansa (Pork Barrel Scam at Yolanda).

Hindi makontrol o makokontrol ang Internet.

Ang internet ay ang iisang bagay na maaaring maging "game changer" pagdating sa pulitika at ang sinumang may kontrol nito ay ang syang magkakaroon ng bentahe sa pagpapalaganap ng propaganda. Ngunit ang internet ay di maaaring makontrol ng iisang indibidwal, organisasyon o gobyerno lamang. Hindi ito kayang busalan ng limampu, isang daan o kahit isang libong sahurang trolls. Lubha itong mas malaki at malaya na syang NATITIRANG paraan sa kasalukuyan upang maipalabas ang tunay na saloobin ng mamamayan.

Post a Comment

  1. I appreciate you and I would like to read your next post.
    We will help you for finding any important News that you need for
    every information.
    Bangladesh online news
    Live bangladesh
    BD News
    News

    ReplyDelete

 
Top