0
KAPAG SUMABOG anumang oras ang ANGAT DAM hindi bababa sa 100,000 Bulakenyo ang maaaring masawi, ayon sa mataas na opisyal ng Engineering and Development Corporation of the Philippines (EDCOP) na nagsagawa ng pag-aaral sa nasabing dam mula noong 2012.

KAYA NGAYON ay inihanda na ng Kapitolyo ng Lalalawigan ng Bulakan ang isang malawakang earthquake at dam break drill ngayong Disyembre kung saan ay kasama ang malalaking pamantasan sa lalawigan bilang paghahanda sa posibilidad ng malakas na lindol na maaaring sumira sa Angat Dam at sumalanta sa Bulacan.

Ang paghahanda ay bahagi ng pagpapataas ng kakayahan ng mga Bulakenyo sa mga kalamidad matapos masalanta ng magkakasunod na kalamidad ang ibat-ibang bahagi ng bansa na kumitil sa libo- libong buhay.

Kung ang pag-uusapan ay ang bilang ng pinatay ng bagyaong Yolanda sa Visaya na umaabot sa mahigit 5,560 ito ay katiting lamang kumpara sa posibleng maging bilang ng masasawi sa Bulacan at ilang bayan sa Pampanga at sa buong Metro Manila.

At aabot sa 50  hanggang 60 porsyento ng Bulacan ang maaapektuhan ng posibleng pagkasira ng Angat Dam. Ang pahayag na ito ay dalawang beses na nilinaw kung saan ay binanggit na umaabot na sa halos tatlong milyon na ang populasyon ng lalawigan, ayon sa EDCOP

AT “hindi naman lahat na yon ay fatal, may makaka- survive din” at idinagdag pa na batay sa kanialng pag-aaral may mga bahagi ng Bulacan na aabot sa 10 hanggang 30 metro ang lalim ng tubig, may bahagi rin na lima hanggang 10 metro at tatlo hanggang limang metro lamang.

Gov. Wilhelmino Alvarado
AT AYON kay Gob.Wilhelmino Alvarado, inihalimbawa niya ang pinsalang ihahatid sa Bulacan ng posibleng pagkasira ng Angat Dam sa pagsabog ng isang bombang nukleyar.

“Parang nuclear yan na sumabog, halos walang matitira,”sabi ni Alvarado. Una rito, sinabi ng gobernador na kapag nasira ang Angat Dam ay “sa West Philippine Sea lahat tayo pupulutin.” At nililinaw din ng gobernador na hindi niya tinatakot ang mga bulakenyo kundi kundi pinapaalala sila at binigyang diin niya na ito ay isang pagtatangka sa pagmumulat ng isipan ng bawat isa upang bigyang importansiya ang paghahanda. Iginiit pa ni Alvarado na lubhang mahalaga ang paghahanda ng bawat mamamayan sa isang malawakang delubyo.

“Ang pinag uusapan natin ay lindol, kapag umuga yan, hindi lang naman dito sa Bulacan ang apektado at hindi lang Angat Dam, dahil yung West Marikina Valley Faultline ay hanggang Batangas. So, marami ang mapipinsala, at marami ang mangangailangan ng tulong. Sino ang tutulong sa atin, kundi tayo rin,” sabi pa ng gobernador.
Angat Dam

ANG Masakit nito ay wala yatang ginagawang aksiyon ang Adminisyrasyon ni PNOY. Mukhang umaasa na naman na tutulong ang ibang bansa kapag may mga kalamidad na nangyayari sa bansa... AY NAKU... BUWISIT TALAGANG BUHAY TO.

Post a Comment

 
Top