0
Tila gustong gusto ng mga tarantadong pulitiko ang mga ganitong situwasyon kapag ang kanilang mga kababayan ay sinasalanta ng mga kalamidad, siyempre ang dating ng mga kumag ay BIDA sila dahil nga naman may mga dala-dala silang mga relief goods na galing din naman sa kaban ng bayan na kanilang mga ninakaw... he he he he

Kung sa tutuusin ay tila PAKITANG TAO lang naman ang mga pulitikong lumalabas ngayon sa mga lansangan para kunwari ay tutulong sa mga biktima, pero sa totoo lang nangangampanya ang mga kumag at dinadaan lang sa pakikiramay daw kuno.... Mga kolokoy talaga

At kung iisipin naman natin mga kakabayan ang mga Pulitikong makikita ninyo ngayon ay hindi ninyo yan makikita sa kanilang mga tanggapan kung walang mga ganyang sakuna, dahil madalas ang mga iyan sa mga pamamasyal kung saan saan at ang haharap sa atin ay ang mga walang ka kwenta kwenta at bastos nilang mga staff.... he he he he

Ngayon may sinasapit na kalamidad ang ating bansa, ang mga inaakala nating pulitikong Maka Bayan at Maka Diyos ay lalabas at lalabas para mangampanya at di para makiramay pa dahil ito na ang pagkakataon para makilala sila ng lubusan ng kanilang mga nasasakupan....

Nakakalungkot isipin dahil kung ang mga Pulitikong seryosong maglingkod ay di nila dapat ipinapakita ang ganyang pag uugali bagkus ito dapat ang kanilang ginagawang pag uugali na maglingkod ng tapat sa kanilang mga kababayan at di lamang sa panahon ng kalamidad, mga pagawaing Kalsada, mga Malalaking gusali na may porseyento sila at marami pang iba na kumikita ang mga damuho....

Ang matindi nito, silang mga Pulitikong nagsisilbi sa bayan ang siya pang nagsasamantala sa kahinaan ng mga mahihirap at maliliit nating kababayan, samantalang di naman din magkakaganyan ang bansa kung di rin naman kagagawan ng mga nakaupong magnanakaw sa ating pamahalaan...

Tignan mo nga naman ang kwento, para yatang wala tayong nababalitaan na mga pulitiko na sinalanta ng kalamidad? Siguro nga sila ay nakatira sa mga mamahaling subdibisyon at mga mala palasyo ang tahanan na ang pera na dapat ay para sa mga taong bayan ay sila lang mismo ang nakikinabang...

Nakakasawa na ang ganitong kwento ng mga Pilipino, hanggat may mga Pulitikong Gunggung at pakitang tao na magnanakaw sa ating pamahalaan, hindi lang isa ang magbubuwis ng buhay kundi milyong milyon Pilipino, Sana lahat ng pulitikong mapangsamantala ngayong kalamidad ay tangayin sana ng rumaragasang baha.... Sana pag dumalaw sa mga sinalanta HUWAG MATUTULOG AT MAGSASALITA NG NAKAKASAKIT SA KAPWA...BUWISIT TALAGA!!! PWE!

Post a Comment

 
Top