0
Ang Commission on Audit (COA) ay bubuo ng isang grupo na mag-a-audit sa paggamit ng pondo ng gobyerno at mga donasyon mula sa ibang bansa para sa mga biktima ng bagyong "Yolanda."...

Sabi ni COA Chairwoman Grace Pulido-Tan na nakapanayam sa isang News Network  “I'm planning to create a special audit team, at least for the duration of the calamity. Remember, yung Presidente (Pangulong Benigno Aquino III) ay nag-declare ng state of national calamity. That declaration is going to stay until it is lifted,”

Ipinagmalaki pa ni Pulido-Tan na naghahanda na at nasa inisyal na proseso na ang kanyang tanggapan.

Dinagdag pa nito na “Sinasabayan namin yung paggamit o pag-mobilize ng pondo para sa relief operations so hindi lang yung mga pondo o ayuda na dumarating from abroad, but also how we are (using funds) here locally,”.

Gayunman, sinabi ng opisyal na hindi ito ang unang pagkakataon na magsasagawa ng audit ang ahensiya para sa pagtugon sa kalamidad.

Marami na ang nangangamba na baka mawaldas ang pondo, kahit na nauna ng ideklara ni Budget Secretary Florencio Abad na ang lahat ng donasyon para sa mga biktima ni bagyong Yolanda ay isasailalim sa audit.

Maging si  Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez na nagsabi, na umabot na sa $126.8 milyon o P5.48 bilyon ang bumubuhos na donasyon mula sa iba't ibang bansa at mga dayuhang organisasyon.

Ang mga donasyon na galing sa 43 international donors ay kinabibilangan ng "cash ang in-kind donations with monetary value, such as medicines, food, blankets, tents, and equipment,'"

At sinabi din ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na iniutos ni Pangulong Aquino ang paglikha ng  isang website para malaman ng taong bayan kung saan napupunta ang mga donasyon, at nais ng pangulo na makita kung magkano yung pumapasok sa gobyerno mismo.

Post a Comment

 
Top