0
NAG-UMPISA na ang kampanya para sa barangay halalan, at tila milyon na naman ang gagastusin ng mga kandidato mula Kapitan at Kagawad... Kanino kayang PORK galing...he he he he he

LAGI na lang sinasabi ng Bulok na COMELEC na ang Halalang Pang barangay ay Non Partisan at lahat ng kandidato ay Independent Candidate...

YAN lang naman ay kung maloloko ninyo ang mga matatalinong botante, Kung tutuusin para sa kaalaman ninyo dito sa barangay election nagsisimula ang pagbubuo ng partido at dito rin nagsisimula ang matinding nakawan ng kaban ng bayan...

AYON sa isang mataas na opisyal ng COMELEC bawal daw ang mag indorso....Kolokoy talaga ha ha ha ha ha.

AT siyempre pa, lahat na naman ng pangako ay paulit ulit lang maririnig sa mga kandidato ng mga mamamayan, ang problema nito mas tila tinatangkilik pa ng mga botante ang sila ay bolahin... ay naku nga naman...

KUNG talagang Non Partisan ang Barangay Election/Candidate dapat bawal itaas ang kamay ng sinumang Halal na kandidato ang mga kandidato ngayon... Kung talagang Non Partisan dapat di nila pwedeng gayahin ang kulay ng isang partido... Kung talagang Non Partisan dapat bawal mag pa picture ang lahat ng kandidato kasama ang mga halal na opisyal... At kung talagang Non Partisan bawal pumunta ang sinumang halal sa bawat ilulungsad na Caucus o anumang pagtitipon ng mga kandidato...

YAN naman ay kung Non Partisan talaga...

KUNG ikaw ay matalinong kandidato alamin mo kung sino talaga ang sinasabi ng COMELEC na Non Partisan Candidate?..

KAYA naman para sa pamunuan ng COMELEC dapat ayusin ninyo ang mga regulasyon na sinasabi ninyo para paniwalaan naman kayo... Nakakabuwisit oo nakakapag init ng ulo... Hanggang ngayon BULOK pa din ang istilo ninyo... Wala kayong silbi sa taong bayan... Pwe!!!!

Post a Comment

 
Top