0
TILA wala na yatang magawa ang mga dekalidad at bihasa nating mga doktor sa medisina para mabigyan ng lunas ang karamdaman ng dating Pangulo at ngayon ay Kongresista Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang karamdaman.

HALOS ilang buwan na ang nakalipas at tila patuloy na binibigyan ng kahihiyan ni GMA ang mga doktor ng Pinas para sa kanyang sakit, at habang tumatagal ay lalo pa itong lumalala, ang matindi nito sa tuwing siya ay hahatulan na o babasahan o hahatidan ng Sumon o Warrant of Arrest ay lumalabas ang kanyang mga sakit na tila wala na yatang kalunasan, at kahit sinong batikang doktor ay di na kayang sagutin pa at mabigyan ng lunas.

Gloria Macapagal Arroyo on wheelchair.AT kung titignan at susuriing mabuti ito ay tanda lamang ng pagsasayang ng pondo ni Juan de la Cruz dahil halos ng kanyang ginagalawan ay konektado sa kaban ng bayan, ilan na dito ang mga batalyong kapulisan na nagbabantay sa kanya na imbis ang taong bayan ang bantayan ay isang taong makasalana at nagtaksil sa taong bayan, isa na din dito ang mga taga Pampanga na imbis na kanyang paglingkuran ay umaasta pa itong kaawa awa sa mata ng taong bayan., ang pang araw araw na pagpunta sa ospital, ang pagbibigay na special treatment sa Veterans ay hayag na paglustay ng kaban ng bayan....

NAPAKADAMING NAGUGUTOM, WALANG TIRAHAN, WALANG TRABAHO, pero ang ginagawa ng gobyerno ay kinukunsinti pa nito ang isang taong nagtaksil at nagkaroon ng kasalanan sa bayan, at ang pinakamasakit pa nito ay ang IPAHIYA niya ang ating mga BATIKANG DOKTOR sa PINAS na tila mga BOBO PAGDATING SA KANYANG SAKIT.... Ano ba talaga ang sakit ni RGMA? Ito ba ay umaarte lang para maawa ang taong bayan? o gusto niya lang ipaalam sa lahat na mga BOBO ang ating mga Doktor at ito ang maging daan para siya ay magpagamot sa ibang bansa na magiging daan ng kanyang PAGTAKAS? He he he he he

ABA! kung ganyan din naman ang sistema ng gobyerno na bigyan na lamang ng tuon ang kalagayan ni RGMA, hindi na nagtataka pa ang taong bayan sa administrasyon ni PNOY na ang ating bansa ang may mga PINAKABOBONG DOKTOR sa kasaysayan ng sanlibutan.... at kung ito naman ay papayagan ng mga dekalibreng doktor sa ating bansa ay sasadlak ito sa matinding kahihiyan, marahil siguro na tignan na din ng mga doktor ang kalagayan ni PNOY.... baka may deperensiya na din sa kanyang kalusugan.... Ano sa tingin mo?

Post a Comment

 
Top