0
ISA na namang malaking karangalan sa lahing Katolikong Pilipino na tayo ay magkaroon ng ika 2 Santong Pilipino na kokoronahan sa Vatican ngayong lingo na magsisilbing bagong Modelo ng mga Kabataan sa katauhan ni Blessed Pedro Calungsod.

Pedro Calungsod
SA ating mga Katolikong Pilipino ito ay magsisilbing inspirasyon para sa isang tunay na maka Pilipino na ang pag tulong ay mula sa Puso at hindi nag iisip ng anumang kapalit at laging iniisip ang kapakanan ng mga mahihirap nating kababayan.

NGUNIT sa isang banda, taliwas ito sa mga Demonyong Pulitiko na tatakbo sa 2013 Election (Hindi naman lahat) na ang hangad lamang ay magnakaw ng kaban ng bayan at proteksiyunan ang kanilang mga ilegal na gawain, tulad ng Droga, Sugalan, at mga Bahay Aliwan na na nagkalat sa ibat-ibang sulok ng kanilang nasasakupan, dagdag pa nito ang mga lantarang pagkunsinti sa kanilang mga abusadong tauhan ... tsk tsk tsk...

AT siyempre pa malamang makikita natin ang mga Demonyong Pulitiko sa loob ng simbahan para nga naman masabing nagsisimba ang mga kolokoy ... he he he he he

KAYA pati ang Santong si Pedro Calungsod ay gagamitin na naman nilang propaganda sa kanilang mga maka demonyong gawain, di na sila nahiya sa tindi talaga ng kapal ng mukha...

SA 2013 Election sigurado na namang sasambahin na naman sila ng mga taong bayan na kanilang uutuin dahil sa mga pangakong kanilang sasabihin sa mga nagugutom na taong bayan, at siyempre pa pagkatapos ha ha ha ha di na naman nila tutuparin ang kanilang mga pinangako.. Buwisit talaga diba...

KAYA naman magsilbi sanang babala ito sa mga mamamayan na huwag nilang sambahin ang mga pulitikong demonyo na mangangako na naman sa 2013 Election, at bilang Pilipino si Blessed Pedro Calungsod na lang ang ating sambahin dahil siya ang nagsisilbing Modelo ng Modernong kabataan sa hinaharap...

AT para sa mga demonyong pulitiko na lilitaw sa 2013 Election tamaan sana kayo ng kidlat... Buwisit..


Post a Comment

 
Top