1
UNANG ARAW ng Nobyembre (UNDAS 2012), masasabi nating ito ang araw ng mga dakila at mga mahal natin sa buhay na yumao na at pumanaw, at siyempre ito din at sagradong araw ng banal at pagkakataon ng mga DEMONYONG PULITIKO para sa simpleng pangangampanya sa ibat ibang sementeryo sa ating bansa, ang iba ay kunwaring may dadalawing kamag-anak, ung iba naman ay makikidalaw sa mga kakilala nila na kahit wala silang patay sa sementeryo ay kailangan na makita sila ng mga taong bayan na nagdarasal para sa kaluluwa ng kanilang mga yumao na mahal sa buhay at nakikisimpatiya sa mga namatayan..

Undas 2012.

BANAL ang unang araw ng Nobyembre, dahil ito na lang ang araw na makakapiling ang mga taong nagbigay saya at lakas ng kanilang buhay, kaya dapat itong irespeto at igalang ng mga DEMONYONG PULITIKO para mangampanya sa mga taong nagdarasal at dumadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay, maaaring sa loob at labas ng sementeryo ay mga mga nagkalat na larawan at mga kagamitan na maaaring sa mga pulitikong kandidato manggaling.....

BAGAMAT may direktibang ipinalabas ang COMELEC tungkol sa mga Campaign material ng mga pulitiko na bawal ang paglalagay ng mga poster ng mga kandidato sa mga sementeryo ay bale wala naman ito sa mga DEMONYONG PULITIKO dahil ang pwede nilang ikatuwiran nila dito ay di naman sila ang naglagay nyan kun di ang kanilang mga katungali... he he he he he

AT siyempre pa, siguradong naka alerto na dito ang hanay at matitikas na kagawad ng PNP sa buong kapuluan para bantayan ang mga maaaring maghasik ng kaguluhan sa lahat ng mga sementeryo, at bantayan at hulihin ang mga DEMONYONG PULITIKO na lumalabag sa kautusan ng COMELEC.... yan ay kung kaya nilang gawin na arestuhin ang mga Pulitiko, baka kasi makuha lang sa pakiusap ang mga kolokoy na Pulis at tapatan lang ito ng miryenda, ang kaya lang kasi ng mga Pulis ay ung mga maliliit nating kababayan sabi ng ilan, .... ha ha ha ha ha

KAYA naman para sa mga dadalaw ngayong araw ng mga yumao (Undas 2012), mag ingat po kayo sa mga DEMONYONG PULITIKO na makikita ninyo sa sementeryo dahil hindi lamang binastos ang inyong pagkatao ay binastos na din nila ang inyong karapatan na bigyan ng isang araw na makapiling ang inyong mga mahal sa buhay.... Sana sa mga DEMONYONG PULITIKO, MULTUHIN sana kayo ng mga taong inyong ginagambala.

Post a Comment

  1. Jobs for all. I recommend Clixsense. Join free and earn money

    http://www.clixsense.com/?8172285

    http://www.donkeymails.com/pages/index.php?refid=rotekja

    http://earnmoneyvithclixsense.blogspot.cz/

    ReplyDelete

 
Top