1
Cybercrime Law in the Philippines is key to oust Pnoy.
Ang mga sumusunod ay sampung bagay na dapat mong malaman tungkol sa Cybercrime Law.

1.
Ang Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Law ay pinasa noong september 12, 2012 nang ito ay pirmahan ng Pangulong Benigno Noynoy Aquino III. Ang may akda o ang pasimuno dito ay si Senador Edgardo Angara.

2.
Noong ikatlong pagdinig o third hearing para sa panukalang batas na ito, ang Komedyante at Senador na si Vicente Sotto ay pinanukala na isali ang section 19 sa Cybercrime Law kung saan isa ang Online Libel sa mga probisyon nito.

3.
Ang parusa sa mga lalabag sa batas na ito ay mas mataas kesa sa pangkaraniwan. Hindi nililinaw sa batas na ito kung paanong ang isang tao ay makagagawa ng libel sa internet. Ngunit gayunpaman, maaari kang kasuhan ng libel ng dalawang beses, isa para sa internet libel at isa para sa regular na paglalathala.

4.
Ang offense na libel sa Cybercrime Law ay saklaw ang lahat ng computer systems kabilang ang CELLPHONE at USB mo. Dahil dito, ang karaniwang tweet, pag-share, pag comment at pati ang karaniwang usapan sa TEXT MESSAGE ay saklaw ng online libel.

5.
Ang Cybercrime Law ay nilalabag ang ating privacy. Ang batas na ito ay pinahihintulutan ang gobyerno na i-monitor at i-record ang iyong computer o internet data ng wala kang pahintulot. Pinanonood nila ang lahat ng ginagawa natin sa internet.

6.
Ang Cybercrime Law ay nilalabag ang ating kalayaang makapagpahayag o ang ating Freedom of Speech. Sa pamamagitan ng Cybercirme Law, ang gobyerno ay pinahihintulutan na ipasara o i-block ang anumang website ng walang court order kabilang ang Facebook account mo.

7.
Sa ilalim ng batas na Cybercrime Law, kahit ang pag-gawa ng mga "memes" o mga larawan/poster na matukoy na libelous ay may kaparusahan din.

8.
Ang sinumanng hindi susunod sa mga probisyon ng Cybercrime Law ay pwedeng maparusahan kahit na ang akusado ay nasa katwiran.

9.
sa kabila ng pag dagsa ng mga petition na nai-file sa Supreme Court para pigilin ang pagpapatupad ng Cybercrime Law, ang supreme Court ay hindi nag-release ng Temporary Restraining Order (TRO) at binalewala ang apila ng taumbayan.

10.
Ayon sa United Nation Human Rights Council, ang internet freedom ay isang basic na karapatang pantao. Ang bawat isa ay may karapatang sabihin ang kanilang saloobin sa internet.

Dahil sa mga katangiang mapanupil sa freedom of speech, privacy at information ng Cybercrime Law ito ay binansagang Cyber Martial Law ng iba't-ibang organizations, media group at mga pangkaraniwang internet users.

Post a Comment

  1. Jobs for all. I recommend Clixsense. Join free and earn money

    http://www.clixsense.com/?8172285

    http://www.donkeymails.com/pages/index.php?refid=rotekja

    http://earnmoneyvithclixsense.blogspot.cz/

    ReplyDelete

 
Top