0
BIRO mo nga naman ang buhay, akalain mo ba naman ang umiiral na sistema ng lipunan ng gobyerno, tila si DOTC Sec. Mar Roxas ang napili ni PNOY na maging DILG CHIEF at siguradong kaya niyang lampasan ang pinakitang yapak ni Sec.Jes Robredo..

SIGURADONG paghahanda yan sa darating na Presidential Election 2016 na kung saan ay si Mar Roxas na ang pantapat kay Vice President Binay sa pagka Pangulo.... He he he he

MATATANDAAN na naging mabigat na magkatunggali si Roxas at Binay noong nakaraang halalan sa pagka Vice President at dito masusukat ngayon kung sino ang tunay na susunod na Pangulo ng bansa, kaya naman kung si Roxas na ang DILG Chief siguradong makokontrol na nito ang lahat ng Local Government Unit ng buong bansa at sisiguraduhin na ang kanyang pagkapanalo para hindi habulin ng korte ang mga kasong kinakasangkutan ng pangulong PNOY.... ha ha ha ha ha

BAGAMAT madaming kontender sa pagka DILG Chief tulad nila Sen.Lacson na mahaba ang karanasan bilang Hepe ng PNP, Cong.Abaya na matagal na sa LGU, Ex.Gov.Padaca at Gov.Saleda na LGU ang pinaglilingkuran,Mayor Lim na talaga namang bihasa na, kaso ang malas lang dahil di sila CLOSE kay PNOY kahit kunwari pa na tanggihan nila ang alok nito, dahil ang titiyakin ng pangulo dito ay hindi siya makakasuhan at mauungkat ang kanyang mga tinatagong yaman kung sakaling siya ay hindi na Pangulo ng bansa...

KAYA naman ngayong si Sec.Mar na ang DILG Chief, ABA! Tignan natin ang kanyang kakayahan na pamunuan ang isa sa mga mahalagang ahensiya ng pamahalaan at tignan na din natin kung kaya niyang higitan ang mga iniwang alala ni Se.Robredo...ABANGAN natin ang pagiging DILG Chief ni Sec.Mar Roxas kung kaya niyang pamunuan ang ahensiya.... HUWAG lang siyang sasakay ng Eroplano....

Post a Comment

 
Top