0
Isang pagsaludo at pagbati sa lahat ng mga lider at kasapi ng WORKER'S PARTY OF THE PHILIPPINES (W.P.P).

Bagamat nasa maagang yugto pa lamang ang WPP titiyakin nito na makatugon at maging kaagapay ng lahat ng OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFW) dito sa Singapore at sa ibang bansa na may mga manggagawang Pilipino.Ito ang naging batayan ng pagkaka-isa maging boses  ng OFW.

Alam ng lahat  na masalimuot ang landas na tatahakin ng organisasyon (WPP) subalit kung hindi naman kikilos SINO PA? kung hindi ngayon KAILAN PA? ayon sa kanilang lider.. nalagpasan na nila ang mga tanong na ito, at ito ay panahon na ng pagkilos at manawagan ng pagkaka-isa sa libo-libong OFW sa isang pampulitikong organisasyon ng mga manggagawang Pilipino sa ilalim ng WORKER'S PARTY OF THE PHILIPPINES (WPP).

Sa ngayon ang WPP ay pangunahing organisasyong politikal ng mga OFW dito sa Singapore, sa dahilang nandito ang mga lider at mga kasapi ng WPP. Mayroon  din namang lider sa mga bansang katulad ng Hongkong, Dubai,Qatar at Kuwait upang itayo ang mga chapter ng WPP. Ang sentrong opisina nito ay itatayo sa Lungsod ng Valenzuela sa Pilipinas upang maging sentrong tangapan ng WPP.

Malinaw ang direksyon na nais tahaking landas ng WPP,diretso sa loob ng Gobyerno ang ating mga programa at panawagan, para sa usapin at kagalingan ng mga OFW sa buong mundo,dahil dito ako at ang buong liberato ng WPP ay nanawagan sa lahat ng OFW sa iba't ibang bansa na magka-isa at magsama-sama sa ating sariling organisasyon ang WPP.

Sa pagkat ako po'y naniniwala na nasa landas ng pagkaka-isa at pagbubuklod sa isang malakas na organisasyong politikal ng mga manggagawa,mapapakilos natin kahit ang tutulog-tulog na Gobyerno ng Pilipinas na nasa mahabang panahon nakinabang sa mga buwis, kontribusyon at money remittance ng mga OFW sa buong mundo,binuhay natin ang lulugo-lugong ekonomiya ng Pilipinas dahil sa milyon-milyong pinasok nating pera sa kabang bayan ng bansa,hindi natin kailangan ang kanilang parangal at tawagin tayong Bagong Bayani ng Bagong Henirasyon ang nais natin mga konkritong programa at proyekto na nakadikit at malapit sa sikmura ng mga OFW, ang ating tinutukoy ay ang kabuhayan at hanapbuhay pagbalik natin ng Pilipinas,tiyakin din ng Gobyerno ang ating siguridad sa mga bansang may mga manggagawang Pilipino.

ITO ANG ATING NAIS,ITO ANG ATING IPAGLALABAN,NGAYON,BUKAS AT SA HINAHARAP.
MULA SA WORKER'S PARTY OF THE PHILIPPINES(WPP). SALAMAT SA INYONG SUPORTA AT PAKIKI-ISA.

MABUHAY ANG MGA MANGGAGAWANG PILIPINO SA BUONG MUNDO.....

ROMAN R. LAVAPIE
NATIONAL CHAIRMAN
WORKER'S PARTY OF THE PHILIPPINES(WPP)

Post a Comment

 
Top