0
TILA pinag-uusapan ang pangalan ni Bise Presidente Jojo Binay na pumalit sa namayapang DILG Chief na si Secretary Jess Robredo dahil sa angkin nitong kagalingan at subok na sa paglilingkod sa Lokal na Pamahalaan.

Sinabi ni Senator Vicente Sotto III na " Ideal" si VP Binay na pumalit kay Sec.Robredo na pangunahan at pamunuan ang tanggapan ng Department of Interior and Local Government dahil sa kanyang karanasan, pero personal na opinyon lang naman daw ito ni Sen.Sotto.

Ilang linggo na ng marekober ang labi ni Robredo at maging ang mga kasama niyang piloto sa karagatan ng Masbate, nabanggit ni Sen Sotto sa isang radyo program ang kanyang pag pabor sa Bise Presidente na maaaring ipalit kay Robredo

Pagkatapos ng May 2010 elections, Mismong hiniling ni Binay kay Pangulong Benigno Aquino III ang DILG bilang tanggapan  na kanyang pamumunuan, pero si Robredo ang pinili ni Aquino, at  ang kay Binay ay ang pagiging chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Sa ngayon matunog na mga pangalan ni Binay na lumutang bilang mga inendorso ng iba't ibang sektor para pumalit kay Robredo.

Maging  sina dating Isabela Governor Grace Padaca, Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte, Sarangani Governor Miguel Rene Dominguez at Manila Mayor Alfredo Lim ay lumulutang din na maaaring ipalit kay Robredo.

Sinabi naman ng matapang na Vice Mayor Duterte na hindi siya maaaring maging kalihim ng DILG dahil hindi siya kuwalipikado sa posisyon.


by
Wilma Gonzales

Post a Comment

 
Top