0
Habang nag-iikot mga kaibigan ang ilang Metro Manila Mayor tulad ng Idol natin si Mayor Fred Lim sa mga apektadong lugar sa Happy Land, BASECO, Sampaloc, Quiapo at iba pang karatig pook para tignan at tugunab anf pangangailangan ng mga naapektuhang residente, hindi man lamang natin nakita ang anino ni VM Isko.

Natakot yata itong si Isko sa hanging Habagat, baka matangay at kung saan anurin bigla maiiwan niya ang pinapangarap niyang Maynila.

Ayon nagkulong sa loob ng bahay, 'di man lamang dinamayan ang mga nasasakupan niyang mamamayan sa oras ng kalamidad.

Baka nga naman masira ang ganda niyang lalaki eh yan ang pinuhunan niya para marating kung sino siya ngayon. Di ba kuya Germs?

Samantala si Mayor Antonino “ Tony” Calixto naman ng Pasay City mabilis pa sa sikat ng araw kilos pronto. Pinuntahan agad ang Malibay at Maricaban para magbigay ng tulong sa mga kanyang mamayan. Saksi ang inyong lingkod sa pamamahagi ng relief goods.

Ganyan ang public service umaaksyun agad at hindi puro ngawa di ba!! VM Isko

At sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na tumulong sa mga kababayan natin na nabingit sa kamatayan lalo na doon sa Antipolo, Marikina, Paranaque, Maynila, Malabon at Sta. Rosa City, Laguna Nagpapasalamat po tayo kina Mayor Leyble, Mayor Arcillas, Mayor Lim, Mayor Oreta at sa mag-amang Mayor Bernabe at Konsehal Benjo Bernabe na mabilis na gumawa ng aksiyon at tinulungan ang mga kabababayan nasalanta ng ilang araw na walang humpay na pag-ulan.

by Rex Cayanong

The author is also a broadcaster and commentator on the radio program Target On Air.

Post a Comment

 
Top