0
Oras na daw para mabigyan ng kasagutan ang matagal ng pinupuna ng mga mamamayan ng Malolos ang Malolos Central Terminal sa ilalim ng Fly over sa Crossing marami po kasi ang pumupuna kung bakit patuloy ang operasyon ng terminal na ito e balita daw na hindi ito nabigyan ng Permit sa Malolos City Hall  ibig sabihin illegal ang terminal na iyan?

Sa haba ng panahon na nagkamal ng limpak na salapi ang me ari o nagmamaniobra ng Terminal ng FX,HUV at VAN na byaheng Malolos Cubao,Malolos LRT at kung saan pang byahe na nagmumula sa Malolos

Untouchable daw kasi ang me ari nito na nagngangalang Vilma Hernandes matindi daw ang aleng ito kung kumarinyo sa mga Opisyales ng LTO,Camp Alejo Santos at sa mga nauupong Hepe ng Malolos PNP siguro nga dahil tapat lang ng Pulis Station ang Terminal ay kung bakit hindi ito nakikita.

Malolos City Chief  of Police P/Supt Jessie Reyes Sir ikaw lang po ang pag asa ng mga Malolenyo para mabigyan ng pansin ang diumano’y illegal na Operation ng Central Terminal na iyan sa Crossing ng Malolos ano po masasabi ninyo ukol ditto Sir?

by Rene "Desperado" Clemente

Rene B. Clemente is also a columnist for "Aksyon Balita" and "CMT Update"

Post a Comment

 
Top