0
Natatawa lamang po tayo sa kunwari’y pakikiramay ni Pnoy sa mga nasalanta ng bagyo oo nga’t nasa puso at isip ni Pnoy ang pag dadalamhati sa nangyayaring trahedya sa ating bansa dapat lang dahil siya ang pinuno natin na dapat na siyang mag-isip ng paraan kung papaano ba natin malulusutan ang trahedyang taun-taon na yata nating mararanasan.

Hindi dapat isisi sa mga basurang ipinapadpad na nakikita sa Roxas Boulevard  sa tuwing bumabagyo at hindi rin dapat silipin ang mga palaisdaan ang dapat sisihin ay ang mga developers bakit? Aba’y kundi dahil sa kanila ay may mga bukirin pa tayong pag dadaluyan ng tubig sa tuwing uulan.

 Ngayon halos puro subdivision at mall na ang makikita mo sa dati’y malalawak na bukirin malaking perwisyo sa ating mahihirap samantalang iilan lamang ang nakikinabang milyung kita kasi ang pinag uusapan mga partihan ng mga taong napapaloob sa bawat idinidebelop samantalang hindi nila iniisip ang maaaring maging epekto kung sakaling maitayo na ang establisiyemtong kanilang idinidebelop.

Ang resulta pag dumarating ang tag-ulan ang mga mahihirap partikular  na yung nasa mga squatters area ang lubhang apektado dahil sa wala ng mga bukirin na dadaluyan ng tubig ulan kung kaya’t maiistak na ang ulan hanggang sa maging isang laganap na baha na ito.

Pero ang delubyong nagaganap naman sa ating bansa ay nagiging pabor naman daw sa mga mayayaman at mga politiko dahil ang pag lisan ng mga apektado sa baha patungo sa mga evacuation ang nagiging isang dahilan ng mga mayayaman at maiimpluwensyang tao na gustong tumakbo tuwing darating ang halalan kunwari mamimigay sila ng Relief sa mga biktima ng baha pero ang totoo kasama na ang pangangampanya bakit noong undoy di sila umikot?

Tulad ng nag iikot si Pangulong Noynoy nagulat po tayo kung bakit kasa-kasama pa nito sina (TESDA) Technical Education and Skills Development Authority Chairman Joel Villanueva at Akbayan Representative Risa Hontiveros sa umano’y pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng baha ano iyan totoo ba sa puso ninyo iyan o para lang makilala at mapabatid sa taong bayan na tatakbo kayo bilang Senador sa darating na 2013 eleksyon? Style ninyo bulok  pwe!

Kung talagang buo sa loob ninyo na mamahagi ng yaman ninyo sa mga mahihirap aba’y hindi na dapat na sumabay pa kayo kay Pnoy dapat sa mga nasasakupan ninyo kayo mamigay ng relief at yung galing sa yaman ninyo hindi yung galing din sa kaban ng bayan.

Hindi rin po tayo bilib kay Pnoy na kunwari umikot para mamigay ng relief  na ang totoo ay ipinangangampanya lamang niya ang kanyang mga bataan na sasabak na senador sa darating na eleksyon dahil kung ang hangad ni Pnoy ay ang Makita ang mga naghihirap na Pilipino diba dapat ang mga staff ng malakanyang ang iyong kasa-kasama?

Nakakatawa po kasi na ang gaganda ng suot at pulos di body guard pa ang mga alipores mong kasama hindi po kaya kayo kinikilabutan sa mga pinaggagawa ninyo? Na ang bibigyan ninyo ng ilang kilong bigas,sardinas,nodles na alam naman natin na galing lang sa mga donasyon.

Ang kailangan ng mga nasalanta ng baha ay bigas,damit at cash para may maibili sila ng gamot palpak na naman ang style mo Pangulong Noynoy at para kina Sec.Joel Villanueva at Risa Hontiveros style ninyo po bulok asahan ninyo sa darating na 2013 election sa kangkungan kayo pupulutin he he.

by Rene "Desperado" Clemente

Rene B. Clemente is also a columnist for "Aksyon Balita" and "CMT Update"

Post a Comment

 
Top