0
NAPAKADAMI ng kuwento o istorya ang naitala sa kasaysayan ng mga Pilipinong Muslim sa Mindanao na sakop ng bansang Pilipinas, ngunit tila hanggang ngayon ay patuloy pa din ang patayan at mga karahasan ang nararanasan ng mga Pilipino sa ibat ibang sulok ng Mindanao.

PERO, bakit ba talagang nagkakaganyan ang kanilang kalagayan? Saan ba nanggaling ang Armas ng mga Muslim? Bakit dalawa ang naghahari sa kanila? Bakit may kanya kanya silang mga tauhan at panay armado pa ng matataas na kalibre? Bakit sila sila ay nagpapatayan? Bakit mas nadadaig pa ang mga matitikas na PNP sa mga Private Army ng mga Pulitiko at mayayamang Datu o Sultan? Ano ba talaga ang totoong dahilan? Sino ang dapat sisihin?

Ang buwan ng RAMADAN sa mga kapatid nating Muslim ay ituturing nila itong banal sa kanilang nakagisnang relihiyon at ito ay minana na nila sa kanilang mga ninuno pa...

SA kabilang banda naman, ayon sa mga nakausap nating mga Muslim ay kanila daw ang Mindanao dahil ito ay hindi kailan man nasakop ng sinumang dayuhan na nagtangkang agawin ang kanilang kinalalagyan ngayon... NGUNIT hindi naman pwedeng mangyari ang kanilang hinihiling na ihiwalay ang Mindanao sa ating lupain...

SA ating pagsasaliksik sa mga kaganapan sa Mindanao ay patuloy pa din ang patayan at mga karahasan na ang mga biktima ay ang mga inosenteng mahihirap at ang mga SALARIN dito ay ang mga makapangyarihang naghahari sa kanilang mga siyudad at lalawigan...

SA isang banda namang kwentuhan, ang sinisisi ng mga mahihirap na Muslim ay ang Gobyerno na kumunsinti sa mga Pulitikong umabuso sa kanilang kapangyarihan at nagmalabis mismo sa kanilang karapatan, at isa sa  dahilan daw ng pagdami ng mga Rebelde at mga Bandidong Terorista ay mga opisyal daw ng Armed Forces of the Philippine o AFP at Phil National Police o PNP na sila mismo ang nagsusuplay ng mga armas....

KAYA kahit anong klaseng pag aayuno o kahit ilang MILYONG RAMADAN ang igunita ng mga kapatid nating Muslim ay wala daw silang makakamtang KAPAYAPAAN at KATAHIMIKAN sa Mindanao kung ang mga opisyal ng Gobyerno at mga AFP at PNP ang nasa likod ng karahasan.

NAKAKALUNGKOT nga lang dahil lahat ng Pulitikong nakaupo na nangako para sa Kapayapaan sa Mindanao ay WALA ding natupad, Siguro nga dahil yan siguro ang kanilang alam sabihin, ANG MANGAKO LANG...... NAKAKAAWA ang mga mahihirap nating kapatid na Muslim na inosente na nagiging biktima ng karahasan....

KAYA naman para sa ating mga kapatid na Muslim na nananalangin na magkaroon ng tunay na Kapayapan sa Mindanao, Kayo ang Tunay na Idolo ng Bayan at hindi ang mga Damuhong Pulitikong umaabuso sa inyong karapatan....

Post a Comment

 
Top