0
MATAGUMPAY na nagkaisa ang pamunuan ng Police Hotline Movement, Inc o PHMI mula sa National Capital Region, at sa malaking puwersa ng Quezon City at Valenzuela City kasama ang Metropolitan Development Authority o MMDA sa paglulungsad ng OPLAN KALIKASAN na nagtulong tulong na linisin ang mga basura na nakahambalang sa kahabaan ng Roxas Boulevard  sa Manila Bay.

HALOS lahat ay masayang nagtulong tulong na ipakita ang tutoong bayanihan ng isang samahan na pangalagaan ang Inang Kalikasan sa pamamagitan ng paghakot ng mga basura na sanhi ng panay ang ulan nitong nakalipas na ilang linggo na dala ni Habagat, ang ginawang OPLAN KALIKASAN ay paghahanda na rin sakaling muling rumagasa ang mahabang tag-ulan.

ANG pamunuan ng PHMI ay pinangunahan ni National Director Ely Quinola at ni DIWA Partylist Representative Emelyn Aglipay at ni MMDA Chairman Francis Tolentino, kasama din dito si Chairperson Baby Ramirez at Admin Dong de Sotto ng Valenzuela City at si Director Emmanuel Delos Santos ng Quezon City.

KAYA naman bilang pagpupugay sa kanilang pagmamahal sa Inang Kalikasan ang Idolo ng Bayan ay sumasaludo sa kanilang pangangalaga sa kalikasan. MABUHAY kayong lahat...

Post a Comment

 
Top