0
HINDI lamang ang pamilya ni DILG Secretary Jes Robredo ang nananalangin na ligtas ang kanilang haligi ng tahanan kundi ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno at ibang sektor ay nananawagan na din na magdasal para sa kaligtasan ng kalihim ng Department of Interior and local Government  na kung saan Hepe ang mapagkumbabang lider.

KASABAY ng panalangin ay nananawagan din ang ibang sektor na magtulong tulong hanapin ang kinalalagyan ng kalihim, ayon naman sa pamilya ng mga Robredo ay umaasa pa silang makikita ito na ligtas.

AYON naman sa Palasyo, mananatili muna ang pangulong PNOY sa Masbate para pangunahan ang ang Rescue Operation sa kalihim, dahil hindi lamang basta kalihim langng kanyang pamahalaan si Sec.Robredo kundi matalik pa niya itong kaibigan.

ANG ilang matataas na lider ng bansa ay nakikiusap naman sa Pangulong PNOY na huwag munang umalis sa Masbate hanggat hindi nakikita ang Kalihim, ayon pa sa kanila na oras na umalis ang pangulo na di pa nakikita si Sec.Robredo ay siguradong hindi na din maaasikaso ang paghahanap.

KAYA naman ang Palasyo din mismo ay nananawagan sa sambayanan at sa lahat ng sektor na magkaisa na magdasal at mag misa para sa kaligtasan ng Kalihim.


by Alin Salazar-Bulalakaw

Post a Comment

 
Top