0
May tinatanggap kayang pakinabang ang Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (EMB-DENR) Regional Director Lormelyn Claudio at ang tanggapan ni BENRO Atty.Rustico De Belen mula sa HOC-PO FEEDS CORPORATION na matatagpuan sa Boundary ng Sta Cruz at Sta Rita,Guiguinto,Bulacan halos katapat lang ng Planta ng San Miguel Beer

Sa palagay natin mahihirapan silang maamoy ang MASANG-SANG na Amoy galing sa alikabok o usok mula sa ginigiling na Feeds kung hindi ito tututukan sa palagay natin wala pong mangyayari sa ipinarating nating sumbong sa EMB-DENR lalo na kay BENRO

Dapat din sigurong punahin o palayasin ng Highway Patrol Group (HPG) Bulacan ang mga naka hambalang na mga Truck ng HOC-PO FEEDS CORP.na ginagawang Paradahan ang gilid ng Hi-way araw at gabi wag na po nating hintayin na may mga aksidenteng maganap bago kayo mag si kilos

PAGING BENRO Atty.Rustico De Belen may magagawa po ba tayong aksyon laban sa diumano’y Untouchable na me ari ng Hoc-Po Feeds Corp. Na iyan?kung di po matindi ang kapit ng Feeds Company na iyan aba’y biruin mo ang ganyang klaseng negosyo ay makapag operate sa malapit sa mga kabahayan kayo po ano ang masasabi ninyo?

Wag na po sana nating hintayin (EMB-DENR) Director Lormelyn Claudio na may mga taong mamatay o maapektuhan ang kanilang kalusugan bobo lang po ang mag sasabing walang perwisyong dinudulot ang masangsang na amoy mula sa kumpanyang iyan or baka po me sipon kayo at barado ang ilong kaya hindi ninyo naamoy ang masang-sang na amoy na iyan he he amoy Osmena at Ninoy daw po yata ang nalanghap ninyo e?

  Susunod ang nakaka sulasok ding amoy ng Vitarich sa Marilao Bulacan abangan..


by Rene "Desperado" Clemente

Rene B. Clemente is also a columnist for "Aksyon Balita" and "CMT Update"

Post a Comment

 
Top