0
TALAGA yatang hindi na makakamit ng isang Juan dela Cruz ang pantay na pagtingin ng pamahalaan. Nakakapagtaka sa tuwing may namamatay na opisyal ng pamahalaan ay lagi nila itong ipinagmamalaki na may malaking nagawang tulong o kontribusyon sa pamahalaan ng ito ay nabubuhay pa, pero sa totoo lang naman halos isuka at kasuklam suklam ang ipinupukol dito ng siya ay nanunungkulan pa.... YAN BA ANG BAYANI?

SAMANTALANG laging ipinagmamalaki ng sinumang opisyal ng pamahalaan maging ang Pangulo mismo ng bansa na ang TUNAY NA BAYANI ay ang mga kababayan natin sa ibat-ibang parte ng bansa o Overses Filipino Workers o OFW na nag uuwi at nagpapataas ng antas ng ating ekonomiya....

PERO bakit sa tuwing may namamatay na OFW dahil sa pagmamalabis ng kanilang mga demonyo at manyakis na employer ay di man lang binibigyan ng pagpupugay ng pamahalaan na kilalanin ito bilang isang tunay na bayani..... He he he he he

KUNG ang mga OFW natin ay laging ginagamit ng mga opisyal ng pamahalaan sa kanilang sariling interes huwag na sana nilang tawagin itong MGA BAYANING BUHAY, dahil hindi ito nararamdaman ng kahit sinong OFW bagkus ito pa mismo ang nagpapahirap ng kanilang kalooban....

MAY mga OFW na bang nalibing sa Libingan ng mga Bayani? ABA! wala pa yata, sa madaling sabi hindi sila mga bayani dahil ang tinatawag na bayani ay binibigyan ng marangal na libing at pagmamalasakit at ito ay inililibing mismo sa Libingan ng mga Bayani....

AT kung ang mga pulitikong kinasusuklaman ng mga mamamayan nang ito ay nabubuhay pa at maraming pinahirapan at nagnakaw sa kaban ng bayan aba bakit ito ay itinuturing nilang bayani....... IBA na talaga ang panahon, Mga OFW na Buhay na Bayani ang unti unti nilang pinapatay at hindi nito kaylanman makakamtan ang tunay na salitang BAYANI.... 

KAYA naman, huwag nyo ng bolahin pa ang mga TUNAY NA BAYANI ang mga OFW na hindi nagnanakaw ng kaban ng bayan na tawagin silang MGA BAYANI NG BANSA, TIGILAN nyo na ang pagpapasikat at pagmamalasakit kuno sa mga OFW, MAHIYA kayo sa balat nyo, WALANG OPISYAL NG PAMAHALAAN ANG HINDI MAGNANAKAW.... PWE!!!! TAMAAN KAYO NG KIDLAT!!! BUWISIT!!!!

Post a Comment

 
Top