0
TILA wala na yatang solusyon ang mga kalsadang patuloy na binubungkal ng mga kawani ng pamahalaan at tila kaawaawa ang kalagayan ng mga naninirahan naaapektuhan ng mga baha, isa na dito ang Lungsod ng Valenzuela partikular sa Unang Distrito, bagamat meron daw na ginagawa ang pamahalaang lungsod na asikasuhin at madaliin ang mga kalsadang ginagawa ay wala pa din talaga itong remedyo dahil patuloy ang pag buhos ng ulan....... He he he he he

Kundi ba naman kasi saksakan ng tungak at isang milyong kabubohan ang pamahalaan, dapat kasi sa panahon ng tag-init at bakasyon ito ginagawa at isa pa puwede namang mag usap ang tanggapan ng mga lokal na pamahalaan at ang tanggapan ng Department of Public Works and Highway, isama na din natin ang mga Telepone Company at ang MWSS o MAYNILAD na dapat ay pag usapan na lahat ang plano bago tumirada ng tumirada ng mga proyekto.

Siyempre ang siste, bungkal dito bungkal doon ang gagawin ng mga damuho, hehehe, oo nga pala dyan pala sila kumikita ng limpak limpak na salapi na ang taong bayan ang nape perwisyo....

NGAYON, ano ang gagawin ng mga Lokal na Namumuno sa kanilang mga kababayan, syempre dalaw dito dalaw doon, picture dito picture doon, para lang may masabing ginagawa ang mga damuho....

KUNG ang gagawin ng pamahalaan ay pagsabay sabayin nila ang pag uusap ng mga concern agency tiyak na walang mangyayaring pag baha at walang mga nakatiwang wang na kalsada saan mang sulok ng bansa...

NAKAKALUNGKOT dahil ang mga nanunungkulan ay ang sasarap ng buhay samantalang ang mga tunay na apektado ay si Juan de la Cruz na patuloy na nagbabanat ng buto...

KAYA para sa DPWH at mga Lokal na nanunungkulan mga Telepone cOMPANY AT maging ang ahensiya ng Patubig sa pamahalaan na may mga proyektong ginagawa tuwing panahon ng bagyo, dapat sa inyo ay ibaon sa mga kalsadang hinuhukay ninyo at ng maging panatag na ang kinalalagyan ng mga mamamayang nagiging biktima ninyo... MGA PWE!!!

TAMAAN SANA KAYO NG KIDLAT!!!! DPWH OFFICIALS, mga LOKAL OFFICIALS... KILOS NA GISING NA...

Post a Comment

 
Top