1
TILA nakatuon na naman ang gobyerno sa isyu sa kalagayan ni dating pangulo at ngayon ay Representative Gloria Macapagal Arroyo o GLORIA sa kanyang kalusugan, at tila kailangan talagang dalhin at ipagamot sa ibang bansa, ano kaya talaga ang dahilan? hA? TAKASAN ANG MGA KASALANAN SA BAYAN?

HALOS maubos na ang isyu sa dating pangulo at patuloy na lumulustas lang daw ng salapi at pamahalaan sa pag intindi sa umaarteng kalagayan daw ng dating pangulo... He he he he at ang administrasyong Aquino ay wala na yatang alam gawin kundi ang sawsawan ang mga isyung di naman nakakatulong sa totoong kalagayan ng mahihirap na Pilipino.

TEKA lang, ABA! imbis na pagtuunan ng pansin ng pamahalaang ito ang kalagayan ng mga biktima ng kalamidad ay kung ano anong klaseng pamumulitika ang kanilang ginagawa at tila paghahanda sa nalalapit na halalan, maging ang mga kaso na kinasasangkutan ng mga damuhong maimpluwensiyang tao ay natutulog lang sa korte at hanggang ngayon ay WALANG HUSTISYANG NAKAKAMTAN ang mga MAHIHIRAP NA BIKTIMA....  Mga gunggong talaga  Ha ha ha ha ha

KUNG sakaling kritikal na nga ang kalagayan ng kalusugan ng dating pangulo, hindi dapat sa kanya lamang nakatuon ang pamahalaan  kundi sa mga mahihirap nating kababayan na patuloy at patuloy pa ding naghihirap, tulad halimbawa na nito ang kalagayan ng mga OFW natin sa ibayong dagat na patuloy na nakakaranas ng pagmamalupit ng kanilang mga Among Hudlum at manyakis at ang mga damuhong ahensiya na kanilang pinasukan na kinakaltasan sila ng kung anu-ano...

ANG mga mahihirap nating kababayan na hanggang ngayon ay iskwater pa din sa sariling bansa na naghahangad ng disenteng tirahan ay wala pa din, Ang mga MILYONG nagsipagtapos sa ibat ibang kurso ay hanggang ngayon ay wala pa ding trabaho na inaasahan at tila CERTIFIED TAMBAY FOR LIFE....

KAYA WALANG TIRAHAN at TRABAHO ang mga Pilipino sa kanilang sariling bansa, kundi ang mga naghahari pa dito ay ang mga dayuhang hindi kailanman maaaring angkinin ang bansa, at tayo ay ALIPIN LANG SA GIGILID.....

NGAYON, kung ang kalagayang pangkalusugan ng dating pangulo ang iintindihin ng pamahalaan wala na talaga tayong aasahang GLORIA kundi ang manalangin na magsimatay ang mga magnanakaw at mga walanghiyang nanunungkulan sa ating bansa.... BUWISIT TALAGANG BUHAY TO...

Post a Comment

  1. Trying to find the Ultimate Dating Website? Create an account and find your perfect match.

    ReplyDelete

 
Top