0
SABI ng mga matatalinong mapagpanggap noong rehimeng Marcos ay makakamtan laman ang Demokrasya kung babalik daw si dating Senador Ninoy Aquino at labanan si Dating Pangulong Ferdinand Marcos... hahahaha

TILA bangungot lamang ang pangarap na ito, dahil hanggang sa ngayon ay wala pa ding demokrasya ang ating bansa, Marami pa ding naghihirap, walang makain, walang tirahan, maraming Krimen, maraming abusadong Pulis, maraming mga empleyado at opisyal ng gobyerno ang sangkot sa mga ilegal, maraming walang trabaho at hanapbuhay ang mga Pilipino at maraming mga OFW ang walang proteksyon sa pamahalaan, maraming mga nakakulong ang walang kasalaman, samantalang ang mga totoong salarin ay malayang nakakagala....

NGAYON, Agosto 21, tila ito ay kasaysayan na lang sa pagkamatay ni NINOY at ang sinasabi nilang Demokrasya na makakamtan ay hindi kaylan man naramdaman ng isang pobreng Pilipino, kundi ang nakakaramdam lamang nito ay ang mga magnanakaw sa gobyerno at lahat ng may kapangyarihan sa pamahalaan...

SA papaanong paraan ba makakamtan ang sinasabing Demokrasya... HINDI ba pagsinabi nating Demaokrasya ay mas malaya pa tau sa mga ibon na lumilipad sa himpapawid? Tanging ang mga opisyal lamang ng pamahalaang ito ang may demokrasya sa kanilang pamumuhay at ang mga sangkot sa mga ilegal na mayayaman na di kayang kantiin ng sinuman ang may demokrasya sa kanilang pamumuhay...

SA totoo lang, kahit ilang buhay pa ang mag alay sa bansang ito para makamtan ang sinasabing demokrasya ay hindi ito makikita at mararamdaman ng mga pobreng mahihiap nating kababayan, dahil ang naghahari dito ay ang Kapangyarihan at Salapi na ninakaw din naman nila sa kaban ng bayan ni Juan.

NGAYON, masasabi mo ba na may Demokrasya ang ating bansa? Sino lang ba ang nakikinabang ng Demokrasya? Mismong si NINOY na nga hanggang ngayon di pa din alam kung sino talaga ang bumaril?

KAYA naman, wag na nating asahan pa na may Demokrasya sa ating bansa, dahil tanging mayayaman at mga nasa Gobyerno lamang ang may ganyang katangian... BULOK talaga ang Demokrasya sa ating bansa... Pwe!!!

Post a Comment

 
Top