0
Ipinahayag ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado na ang Bulacan ay nasa ilalim na ng “state of calamity” bunsod ng walang tigil na malakas na pag-ulan simula pa noong isang linggo na nagdulot ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa lalawigan.

Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado
Inilabas ang deklarasyong ito matapos ang pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na ipinatawag ng gobernador at mapagtibay ang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Bise Gob. Daniel Fernando.

Sinabi ni Gov.Alvarado, tagapangulo ng PDRRMC, na nagdala ang south-west monsoon ng malakas na pag-ulan kung saan 222 barangay sa 18 bayan at tatlong lungsod ang nalubog sa baha.

Naapektuhan ang 75,365 pamilya kung saan 7,000 sa mga ito ang inilikas papunta sa 115 evacuation centers at nasira ang maraming ari-arian, imprastraktura at agrikultura.

Ayon pa sa gobernador, pinakaapektado ang bayan ng Obando kung saan lahat ng 11 bayan nito ang nasalanta ng dalawa hanggang limang pulgada ng tubig baha.

Kabilang din sa mga nasalanta ang mga bayan ng Baliwag (24 barangay sa ilalim ng  1 to 5 feet of floods); Calumpit (16 barangay sa ilalim ng  1 to 4 feet); Marilao (14 barangay sa ilalim ng  1 to 5 feet) , Paombong (14 barangay sa ilalim ng  1 to 2 feet), Bocaue (12 barangay sa ilalim ng  1 to 5 feet), Bulakan (12 barangay sa ilalim ng  1 to feet), Hagonoy (11 barangay sa ilalim ng  1 to 5 feet), Bustos (10 barangay sa ilalim ng  1 to 3 feet), Guiguinto (8 barangay sa ilalim ng  1 to 2 feet), Pulilan (8 barangay sa ilalim ng  1 to 2 feet), San Ildefonso (7 barangay sa ilalim ng  1 to 4 feet), San Miguel (5 barangay sa ilalim ng  1 to 5 feet), Balagtas (5 barangay sa ilalim ng  1 to 5 feet), San Rafael (4 barangay sa ilalim ng  1 to 2 feet), San Jose del Monte City (4 barangay sa ilalim ng  1 to 2 feet), Meycauayan City (3 barangay sa ilalim ng 1 to 5 feet), Malolos City (33 barangay sa ilalim ng 1 to 3 feet) at Sta. Maria (2 barangay sa ilalim ng  1 to feet).

Hiniling din ni Gov.Alvarado sa Ipo at Bustos dam na pansamantala munang itigil ang paglalabas ng tubig upang huwag nang madagdagan ang baha na magmumula sa Nueva Ecija at Pampanga na sinasalo ng mga bayan ng Calumpit at Hagonoy.

 “Sinabihan natin sila na itigil muna ang pagpapawala at huwag sabayan ang pag-uho ng tubig-baha na nanggagaling sa karatig lalawigan ng Nueva Ecija at Pampanga. Everything is properly coordinated. We have been constantly monitoring the two dams as well as the water elevation of Angat dam and regularly coordinate with dam officials. Kung kaya ng kailugan (Angat river) at ng Labangan channel, then it will the time we will allow to release but it should be done gradually,” dagdag pa ni Gov.Alvarado.

Sinabi pa ng gobernador na patuloy ang pagdadala ng mga relief goods at gamot sa mga biktima ng pagbaha, at alerto pa rin ang mga rescue teams sa pagtulong sa mga nangangailangan ng paglikas.

by Rene "Desperado" Clemente

Rene B. Clemente is also a columnist for "Aksyon Balita" and "CMT Update"

Post a Comment

 
Top