0
Tila wala na yatang katapusang sumbong ang nakakarating sa ating tanggapan tungkol sa lumalalang bentahan ng laman sa Bihunan, Crossing Calamba City lalawigan ng Laguna.....

Ayon sa ating nakalap na inpormasyon na nagmamalasakit sa ating mga kababayan sa Laguna ay mismong mga alagad daw ng mga kaPulisan ang siya pang nagiging bugaw sa mga kolokoy na nagbebenta ng laman at kumukunsinti sa mga kolokoy... He he he he

At siyempre ang siste nito, huhulihin tapos pakakawalan din para masabi na may ginagawa sila ha ha ha ha

Tawagan natin ng pansin si PNP Chief Nick Bartolome na paki batukan naman ang kanyang tauhan na si PSupt Manaig at tila natutulog yata sa pansitan at kinukolokoy lamang ng kanyang mga tauhan, at tila nagbubulag bulagan yata ang kumag....

Pero teka, ano ang gagawing hakbang dito ni Gobernador ER Ejercito kung di naman kikilos ang kapulisan sa kanyang lalawigan? Mananatili din ba siyang tulog at bingi? Mukhang dito natin masusubukan ang bagsik ni Gob Er sa mga naglilipanang mga nagbebenta ng laman sa kanyang lalawigan....

ABA! Hoy mga kumag kayong nagbebenta ng laman, malapit ng matigil ang mga kawalanghiyaan nu at kayong mga Pulis na kasabwat sa mga demonyong gawaing ito di kayo patatawarin ni PNP Chief Bartolome at Gob ER Ejercito sa inyong mga gawain... KILOS NA PO!

ABANGAN NATIN ANG KANILANG AKSYON!!!!

About the Author:
Emmanuel Ascano Ventura
Mr. Ventura also writes at various tabloids that circulates Metro Manila and CALABARZON area.

Post a Comment

 
Top