0
Pagbibigay daan sa mga puna ng ating mga katoto sa Pier ng Batangas City.

Sa lahat po ng nabasa naming mga kolum sa dyaryo ang kolum mo pong Desperado ang tumimo sa aming isipan kakaibang tunog tila palaban at walang uurungan kung kaya’t ang aming mga napansin na kabulukan at kotongan dito sa Pier ng Batangas ay amin pong ipapakalampag saiyo upang magising ang mga namumuno dito at para maipaabot sa kaalaman ni Gov.Vilma Santos-Recto.

Amin pong irereport ang nangyayaring bayaran sa loob ng Pier ng Batangas tuwing Biernes po at Huwebes may trucking na nagpapasok  ng mga dangerous cargo  ang tinutukoy ko po na kargamento ay yun pong Zonrox na halos umaabot ng 30 tons per day na dinadaan po sa pier ng Batangas.

Ito po ay delikado kasi di natin alam yung panahon tulad sa nangyari sa oil spill sa Guimaras baka po kasi lumubog yung barko na sinasakyan nila paano na yung yamang dagat para po makapasok sa loob ng pier nagbibigay sila kahit magkanong halaga sa Xray Machine Operator at Coastguard para maisakay sa barko dapat po kumuha sila ng permit to travel kaso wala.

Anu man ang mangyari sa laot sino ang mananagot? Paano nakakalusot ang mga ganitong pangarga paano pa kaya yung iba? Ang trucking na tinutukoy ko ay ang B.E Tanola Trading.

Ang truck nila ay may plakang RFR 783 at RAW 116 sana po maagapan ito ng PPA ng Batangas sa ngayon po kasi ay sumasakay sila sa Super Shutle Roro every Friday 3 pm ang departure direct to Dumaguite Aklan sa Roxas City po kasi ang deliver.

Pero pag hindi nila mahabol ang sked nagpa via Roxas Mindoro Port sila to Caticlan dun po ginagawa nila yung pinapa edit yung timbang ng karga na Zonrox para maka baba sa Caticlan Port going  to Roxas City Capiz hindi po yata nabanggit sa SONA ni Pnoy ito ha?

by Rene "Desperado" Clemente
Rene B. Clemente is also a columnist for "Aksyon Balita" and "CMT Update"

Post a Comment

 
Top