0
 Nasubaybayan natin ang career bilang isang mahusay na Enhinyero mahusay na pinuno mula sa District Engineer hanggang Regional Director ng DPWH talagang maaasahan tapat at mahusay na pinuno na kailangan ng ating Bansa iyan si Engr.Angelito “Leng”Twano.

   Nuong siya ang District Engineer ng Cavite ay marami ang humanga sa kanyang galing at talino lalo na sa mga pagawain sa lansangan ang mga kabitenyo ay naginhawaan sa kanilang paglalakbay dahil sa ganda ng kanilang kalsada iba talaga pag may kalidad.

   Over qualified talaga si Engr.Twano lalo na ng mahirang siya bilang Asst.Regional Director  DPWH sa Region-Vll  dahil sa kilala at talagang maaasahan marami ang humanga sa kanyang kahusayan bilang isang Enhinyero bukod pa sa pagiging matulungin sa kapwa si Engr.Angelito Twano ay pinapurihan ng mga mamamayan ng Region-Vll.

    Nagulat po tayo ng ating mabalitaan na pinalitan na si Engr.Twano bilang Maintenance Director sa Port Area Manila marami ang nagtaasan ng kilay ano daw ba ang nagyari? Bakit ang isang mahusay at mapagkakatiwalaang Director ay bigla na lamang aalisan ng pwesto ano ito Personalan ba or Palakasan Sec.Rogelio L.Singson may tinitignan at kinikilingan ka po ba?

   Alam kaya ni PNOY na ang isang mahusay at magaling na Director na si Engr.Angelito Twano ay palitan sa kanyang pwesto bilang Director ng Maintenance ?sadya bang wala ng K ang ating pamahalaan na kung sino ang malakas at bata-bata ng naka upo kahit bobo mauupo sa pwesto
   Di po ba under the law ang nangyari? dapat under 620 ruling dapat eequally leveled position si Engr.Angelito Twano dahil CESO 3 siya?alam kaya ni Sec Singson ang rules ng bawat Government Official tulad ni Engr.Twano na i freeze na isang CESO Official ?
    Dapat ang sibakin ay si Sec Rogelio Singson ano ba ang nagawa mo? Wala puro pa cute lang dahil sa bata ka ni PNOY  kaya ka na pwesto pero may nagagawa ka po ba bilang DPWH Secritary? Ang usap-usapan pareho lamang daw kayo ni BOC Comm.Ruffy Biazon puro pa cute lang wala naman nagagawa bakit meron ba?

DAPAT PALAYASIN,MALOLOS CENTRAL TERMINAL

Dahil sa ating bagong hepe ng Lungsod ng Malolos Bulacan  ang mahusay at mabait na si P/Supt.Jessie Reyes na talaga namang minamahal ng bawat Lungsod o Bayang kanyang napupuntahan

   Oras na daw para mabigyan ng kasagutan ang matagal ng pinupuna ng mga mamamayan ng Malolos ang Malolos Central Terminal sa ilalim ng Fly over sa Crossing marami po kasi ang pumupuna kung bakit patuloy ang operasyon ng terminal na ito e balita dawn a hindi ito nabigyan ng Permit sa Malolos City Hall  ibig sabihin illegal ang terminal na iyan?

   Sa haba ng panahon na nagkamal ng limpak na salapi ang me ari o nagmamaniobra ng Terminal ng FX,HUV at VAN na byaheng Malolos Cubao,Malolos LRT at kung saan pang byahe na nagmumula sa Malolos.

   Untouchable daw kasi ang me ari nito na nagngangalang Vilma Hernandes matindi daw ang aleng ito kung kumarinyo sa mga Opisyales ng LTO,Camp Alejo Santos at sa mga nauupong Hepe ng Malolos PNP siguro nga dahil tapat lang ng Pulis Station ang Terminal ay kung bakit hindi ito nakikita.

   Sa susunod po aalamin natin ang dapat sugpuin na kailigalan sa Terminal na ito Iyan po ang tututukan natin sa susunod Promise.

by Rene "Desperado" Clemente

Rene B. Clemente is also a columnist for "Aksyon Balita" and "CMT Update"

Post a Comment

 
Top