0
NGAYON ay may napili na si Pangulong PNOY ng bagong Chief Justice ng Supreme Court sa katauhan ni Justice Maria Lourdes Sereno na kauna unahang babaeng naging HEPE ng Katastaasahang Hukuman ng ating bansa, ANO na ang susunod? he he he he he

PERO marami pa ding nagsasabi na si CJ Sereno ba ay para sa bayan o kay PNOY lang? Kasi naman kahit  sinong mahirang na Bagong Chief Justice ng ating bansa ay tila may pagdududa na ang taong bayan, dahil siguro yan sa nakasaad sa Saligang Batas na tanging pangulo lang ng bansa ang siyang may kapangyarihang mamili ng uupong Chief Justice.

KUNG tatanungin naman natin ang karanasan ni CJ Sereno ay wala naman tayong tulak kabigin dahil sa kanyang karanasan na nagsilbi sa maraming ahensiya ng pamahalaan, at siyempre pa siya pa din ang magsisilbing tagapagtanggol ni PNOY sa mga kasong kinasasangkutan nito... He he he TOTOO PO BA?

PERO teka, lagi na lang tayong nasa kasaysayan ha, Kauna-unahang babaeng naging Pangulo ng bansa ay si Tita Cory na INA ni PNOY, AT kaunaunahang babaeng Pangulo na nakasuhan si GMA sa panahon ni PNOY at ngayon may kauna-unahang babaeng naging Chief Justice si PNOY... teka DIBA si PNOY ang kauna-unahang Pangulong BINATA? na Na LINK kung kani-kaninong magagandang dalagang Pilipina, ehemmmmm BINASTED ba si PNOY o AYAW ni PNOY sa mga GIRL?

SABI naman ng karamihan ay kailangan na patunayan ni CJ Sereno na siya ay para sa bayan lalo na sa sektor ng mga kababaihang inaapi na hindi nabigyan ng totoong katarungan at tiyakin niya na wala siyang sinisino-sino kahit sino pang Pontio Pilato ang may sala, kungbaga WALANG PALAKASAN sa kanyang PANUNUNGKULAN...

PERO ang pangamba ng lahat ay siguradong ang kalalabasan din naman ng eksenang ito ay mauuwi din naman sa wala dahil ang huling Demonyong tatawa at hahalakhak ay ang Pangulo ng bansa at kanyang mga Alipores na may mga kasong kinasasangkutan na magsisilbing AMO ng CJ, kaya napakalaki ng hamon ng taong bayan kay CJ Sereno sa kanyang posisyon para sa taong bayan.

Kung gustong magtiwala ng bayan sa bagong Chief Justice dapat itong magpakitang gilas agad at unahin ang mga may karumaldumal na kasalanan sa bayan, unahin nito ang mga DRUG LORD at GAMBLING LORD na sumisira sa kinabukasan ng bayan at sampolan nito ang mga dambuhalang negosyanteng HINDI nagbabayad ng BUWIS, at ipagtanggol niya ang kalagayan ng mga OFW sa lahat ng sulok ng bansa.... ay Grabe talaga... BAKIT kaya ang Pangulo ng Bansa ang pumipili ng Chief Justice? Dapat isama na lang ito sa National Election para siguradong sa taong bayan siya may pananagutan at susunod at di sa isang tao lang, Ngayon ay kaabang-abang ang gagawing gilas ni Chief Justice Sereno sa taong bayan para kilalanin natin siyang Tunay na Idolo ng Bayan...... ABANGAN!!!

Post a Comment

 
Top