0
KAHIT sinong mahirang na Bagong Chief Justice ng ating bansa ay tila may pagdududa na ang taong bayan, dahil siguro yan sa karanasan ng napatalsik na Chief Justice na si Renato Corona na iniluklok ni dating pangulo at ngayon ay Representative Gloria Macapagal Arroyo dahil sa di maipaliwanag na yaman at ari-arian.... He he he he he

PERO kung iisipin natin ang sistema ay tila hindi din natin dapat pagkatiwalaan ang sinumang mauupo bilang pinakamataas na pinuno ng Kataastaasan Hukuman, dahil ang nagdikta o ang nag upo din sa kanya ay ang Pangulo ng bansa... at ang Judicial and Bar Council o JBC ang siya daw kunwari ang namimili para sa susunod na Chief Justice at sa huli ay ang Pangulo din pala ng bansa ang masusunod ... hehehehe Mga Bugok talaga...

SA ginawa ng JBC sa kanilang bagong sistema ng pagpili, binigyan nila ng pagkakataon ang lahat ng nagkainteres sa puwesto ng CJ na makapagsalita sa lahat, maging sa Telebisyon at Radyo upang malaman daw ng taong bayan kung nasa matinong pag-iisip ang mga ambisyoso at ambisyosa... heheheheh

PERO tila sa 20 kumakandidato , ay halos lahat yata ay walang karapatan isali ang sarili sa pilian... kung meron man siguro isa o dalawa lang siguro ang pwedeng matira..... dapat siguro ay piliing mabuti ng mga Tuta este JBC ang pwede nilang irekomenda kay PNOY ang bagong Chief Justice.... Medyo may natitira pang konting katinuan si Ronnie Zamora na subok na sa paglilingkod sa Gobyerno at si Associate Justice Antonio Carpio na matagal at atat na atat ng maging Chief Justice....

ANG kalalabasan din naman ng larong ito ay mauuwi din naman sa wala dahil ang huling tatawa at hahalakhak ay ang pangulo ng bansa na magsisilbing AMO ng CJ, at kung sakali din namang may mapiling CJ ay sigurado ba siya na sa bayan siya maglilingkod o magiging tuta lamang siya at pagtatakpan ang mga kasong kinasasangkutan ng mga magnanakaw sa pamahalaan?

Kung gustong magtiwala ng bayan sa bagong Chief Justice dapat itong magpakitang gilas agad at unahin ang mga may karumaldumal na kasalanan sa bayan, unahin nito ang mga DRUG LORD at GAMBLING LORD na sumisira sa kinabukasan ng bayan at sampolan nito ang mga dambuhalang negosyanteng HINDI nagbabayad ng BUWIS.... ay Grabe talaga... BAKIT kaya di na lang isama sa BOTOHAN ang pagpili sa CHIEF JUSTICE? .....

Post a Comment

 
Top