0
MATAGAL na nating idolo itong si Las Pinas Mayor Nene Aguilar dahil sa kanyang mga nagawang kabutihan sa kanyang lungsod at siyempre pa sa kanyang mga kababayan na tila humahangan sa kanyang dedikasyon bilang Ama ng Lungsod...

PERO TEKA! tila yata taliwas na ngayon ang kwentong yan sa mga nagsusulputang usapan sa apat na sulok ng kanyang nasasakupan at tila yata sinisira ng mga damuhong manager at mga operator ng mga KTV Bar na nagpapalabas daw ng mga hubot hubad na butchingching ang pangalan ng ating idolo..... he he he he he

ANG MASAKIT nito ay nakakaladkad ang magandang pangalan ng ating idolong Mayor sa mga KTV Bar na naglipana sa kanyang lungsod at ang ipinagmamalaki at ipinagyayabang daw ng mga kolokoy na ito ay may lingguhang patong o tongpats ang tanggapan ni Mayor kaya hidi kailanman pwedeng kantiin o ipasara ang mga ito.... HA?

NGAYON, tignan natin ang galing ng ating idolong Mayor kung ito ay aaksyon sa mga sumbong at bulong na nakarating sa atin na ang isa daw sa mga nagpapalabas ng Hubot-Hubad at napakadaming mga menor de edad ay ang 10-Points Bar at ang WEST BAY Lounge na may tila mga mayayabang at hambog na OIC na tila ipinagmamalaki ang kanilang lingguhang hatag sa opisina ni Mayor at ni Hepe kaya NEVER BEEN TOUCH sila.... he he he he

TAWAGAN natin ng pansin ang ating Mahal na Mayor at tila nakatulog na at may pagkunsinti daw sa mga damuhong kampon ni Satanas na gumagawa ng kababuyan sa kanyang lungsod, at ang isang pangalang PALOS na napakalakas daw sa Crame at sa CIDG na may TONGPATS din siyang hinahatid, ABA! kolokoy talaga no, at sinisira pa ang pangalan ni Gen.Bartolome at Gen.Pagdilao.....

KAYA naman, Mayor Nene Aguilar, PNP Chief Nick Bartolome at CIDG Dir.Samuel Pagdilao, paki kalos na nga po ang mga may-ari ng 10 POINT BAR at WEST BAY Lounge na nagpapalabas ng mga hubad na katawan at mga menor de edad sa inyong nasasakupan at ipinagmamalaki ang inyong mga pangalan na may lingguhang TONGPATS daw kayo kaya di sila kayang ipasara.... AKSYON NA! at HUWAG ng MATULOG maawa kayo sa mga kabataan na sinisira ang buhay ng mga kolokoy at ang DSWD at DOLE.... UMAKSYON DIN KAYO.... Buwisit!!!!

NANINIWALA TAYONG HINDI papayag ang ating idolong Mayor Nene Aguilar na sirain ang kanyang pangalan ng mga demonyong kolokoy na may-ari ng mga KTV BAR na nagpapalabas ng mga hubad na katawan at mga Menor de Edad, at Kung walang AKSYON dito si Mayor... ABA!!! BAKA nga totoo ang Kwento? ABANGAN ang AKSYON ni Mayor!!!!

Post a Comment

 
Top